Home Celebrities Jim Paredes naniniwala nga bang hindi na si Pangulong Duterte ang nagpapakita sa publiko kundi “double” niya nalang

Jim Paredes naniniwala nga bang hindi na si Pangulong Duterte ang nagpapakita sa publiko kundi “double” niya nalang

0

Tila hindi kumbinsido ang legendary OPM artist na si Jim Paredes na si Pangulong Rodrigo Duterte nga ang taong nagpapakita ngayon sa publiko.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Paredes ang isang litrato kung saan ikinukumpara niya ang dalawang litrato ni Pangulong Duterte.

Ang kaliwang litrato ay kuha noong hindi pa nagkakaroon ng mga tsismis tungkol sa kalusugan ni Duterte habang ang kanang litrato ay nakunan noong kinukwestiyon na ang tunay na kalagayan ng Pangulo.

Ayon kay Paredes, may tila pagkakaiba kay Duterte sa dalawang litrato.

“Lumiit sya sa kanan,” ani Paredes.

Kuha mula sa Twitter page ni Jim Paredes

Kamakailan lang ay tila nakuryente si Paredes sa kanyang isa pang tweet.

Sa isang tweet noong September 3 ay ipinakilala ni Paredes ang mga pinaghihinalaang “double” ni Pangulong Duterte.

Tinawanan naman ng mga netizens ang nasabing teorya ni Paredes na isang kilalang kritiko na noon pa ng kasalukuyang administrasyon.

Hindi naman napigilan ng isa sa mga anak ng inakusahang double ni Pangulong Duterte na kausapin si Paredes.

Sa isang screenshot ay makikita na ang tao sa kaliwang litrato ay si Alexis Quina na alkalde pala ng Manticao, Misamis Oriental, habang ang lalaki sa kanan ay si Cressencio Estremas na isa ring government employee sa kaparehong siyudad.

Binura naman kagad ni Paredes ang kanyang tweet matapos ng nasabing pag uusap.

Ngunit hindi naman napigilan ng mga supporters ni Pangulong Duterte na akusahan si Paredes na nagpapakalat ng maling balita.

May mensahe naman si Paredes sa mga bumabatikos sa kanya.

“Good night and sweet dreams. May you all wake up to your senses tom and find jobs that do not compromise your dignity and contradict your innate goodness. Life is short. You could get covid. Be at peace with urself. May hangganan lahat,” ani Paredes.

Hindi naman malaman kung mababasa pa ito ng mga kritiko niya dahil iniba na ni Paredes ang kanyang ‘privacy settings’ sa Twitter at tanging mga followers niya na lamang ang makakakita ng mga tweet niya.

Maliban kay Paredes, may mga ilang kilalang personalidad din noon na nagbahagi ng kanilang kakaibang teorya tungkol kay Pangulong Duterte.

Ang pinakasikat na teorya ay ang ibinahagi ni Marlene Aguilar kung saan sinasabi nito na hindi na si Pangulong Duterte ang nagpapakita sa publiko kundi isang ‘alien’ na kayang magpalit ng anyo.

 

Facebook Comments