Home Celebrities Chuckie Dreyfus kay John Regala: “DEMONYO siya in real life!”

Chuckie Dreyfus kay John Regala: “DEMONYO siya in real life!”

0

Hindi na napigilan ng aktor na si Chuckie Dreyfus ang kanyang pagkadismaya at galit kay John Regala.

Matatandaan na sinabi ni Regala na wala siyang natanggap na kahit anong pera mula kila Dreyfus na tumulong sa dating action star para mangalap ng donasyon dahil sa kanyang lumalalang kondisyon noon.

Ang grupo nila Dreyfus diumano ang umasikaso sa mga gastusin ni Regala habang siya’y nagpapagaling sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Sa comment section ay hindi na nagpagigil si Dreyfus at tinawag na “demonyo” si Regala matapos ipakita sa kanya ang news clip ng dating action star habang dinuduro duro ang isang taxi driver.

Sa news clip na kuha noong 2008 ay makikita si Regala na nakikipagtalo sa taxi driver na kanyang nakaalitan at diumano’y ginamitan niya pa ng kamao.

Maririnig pa si Regala na sinabing papayag siyang bigyan ng pera ang taxi driver pero hindi siya papayag ng hindi niya ito nagagamitan ng kanyang kamao.

“I saw that also. Ibang klase talaga! Kontrabida siya sa movies, pero DEMONYO siya in real life. G*g* talaga,” ani Dreyfus.

Kuha mula sa comment section ni Mr. Chuckie Dreyfus

Upang malinawan ang mga tao, ipinaliwanag ng kampo nila Dreyfus na umabot ng 137,000 pesos ang bill sa ospital ni Regala.

Ang natira naman sa mga donasyon na nakalap nila na nagkakahalaga ng P115,000 ay ibinigay nila kay Regala kahit na ang unang plano ay ipapatago ito sa kanyang ikalawang asawa.

“After all the expenses (including hospital bills, medicines, etc), may natirang P115,000 which we deposited sa personal account ni John sa Metrobank at merong katibabayan (deposit slip and certification) ang aming grupo.  Our original plan was to hand the money to his second ex-wife nasi Vicky Alonzo but she begged off kaya napilitan kami na ito’yi-deposit sa personal account ni John,” ani Aster Amoyo na kasama ni Dreyfus sa pagtulong kay Regala.

“Siguro naman, kung hindi rin dahil sa efforts namin, baka ni isang kusing ay wala siyang kapera-pera ngayon. He even asked his first ex-wife na si Au of $200 na ibinigay naman sa kanya. Kahit mahina siya, he goes to the bank to withdraw money to satisfy his needs, ang mabili ang gamot which he depended on for years. Tanungin ninyo kung saan at paano niya nabibili yung mga gamot na hindi naman prescribed sa kanya ng doctor? Bakit din walang kaanak na kasama si John ngayon?” dagdag pa niya.

Hindi pa sumasagot si Regala sa mga bagong akusasyon laban sa kanya.

 

Facebook Comments