Home Celebrities Tim Sawyer humihingi ng saklolo para makabalik kay China Roces at sa kanyang baby: “Naawa ako sa anak ko”

Tim Sawyer humihingi ng saklolo para makabalik kay China Roces at sa kanyang baby: “Naawa ako sa anak ko”

0

Ilang araw matapos siyang akusahan ng pagiging madamot sa kanyang mag ina, humingi ng tulong si Tim Sawyer sa kanyang milyon milyon na followers sa social media.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Tim na sana’y matulungan siya na makabalik sa kanyang mag ina na si China Reyes at baby Timothy dahil mahal na mahal daw niya ang kanyang pamilya.

Maalala na inakusahan ni China si Tim na itinatago nito ang kanyang kinikita sa vlog nag nagkakahalaga diumano ng milyon milyong piso.

“Sana ma tulongan nyo akong maging ok kami ulit ni china mahal na mahal ko pamilya ko diko kaya na ma buhay wala sila na aawa nako sa anak namin,” ani Tim.

Hindi naman nagbigay ng kumento si China sa pinakabagong mensahe ng kanyang partner.

Ayon kay Tim, nagbibigay siya ng buwanang P100,000 sa kanyang pamilya simula nung malaman ni China ang kanyang kinikita na umaabot daw ng 1.5-M kada buwan.

Pero ayon sa isang post ay humihingi pa ng karagdagang P100,000 si China kay Tim dahil milyon milyon naman ang kinikita ng vlogger.

Subalit sinabi ni China na gusto pa daw ni Tim na solohin ang lahat ng kita sa kanilang vlog kapalit ng karagdagang sustento.

Binanatan din ni China si Tim matapos sabihin ng vlogger na ‘luho’ ang bag na ibinigay niya sa dating FHM model.

“Hindi ako nagpabili ng Lv bag para sa luho ko! Nagbebenta po ako ng bags para mapaikot ang pera para makaipon para sa pamilya!!” saad ni China.

Samantala, maraming netizen ang nagdarasal na sana’y mapatawad pa ni China si Tim dahil matagal na daw nilang sinusubaybayan ang mag partner.

Pero may ilan din na nirerespeto ang desisyon ni China na maging single mother kung gugustuhin niya ito.

“Be an inspiration to all Single Mom out there Ms. China.. be the voice and empower women.. let us show men that we can survive this life and they don’t need to make us feel small and nothing.. without them we are more powerful and beautiful,” sabi ng isang fan ni China.

Facebook Comments