Home Politics Pangulong Duterte, sinagot si VP Robredo: “Wag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao”

Pangulong Duterte, sinagot si VP Robredo: “Wag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao”

0

Hindi napigilan sumagot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang talumpati kahapon.

Habang nasa meeting ng IATF, binanggit ni Pangulong Duterte ang pinagsasabi ni Robredo at pinayuhan ang bise Presidente na huwag na niyang dagdagan pa ang gulo sa bansa sa gitna ng pandemya.

“Ito namang kay Leni, in her ending statement… kung hindi ko daw gawin ng gobyerno, gagawin ng tao, well sa panahong ito medyo desperado ang mga tao tapos dagdagan niyo pa ng ganoon, na wala naman kayong base sana may maipakita kayo,” ani Duterte.

“Please do not add fuel to the fire, wag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao, pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayong lahat maski na sabihin niyo na pumanaw ako bukas, it cannot solve the problem of the country,” dagdag pa niya.

Kahapon lamang ay sinabi ni Robredo na kung wala na daw mamumuno sa bansa ay tao na mismo ang gagalaw at magtutulungan.

“At kung walang mamumuno, tayo mismo ang hahakbang, tayo mismo ang magtutulungan, tayo mismo ang bibitbit sa isa’t isa. Tayo mismo ang haharap, tayo mismo ang mangunguna, gagampanan natin ang anumang tungkulin para daigin ang anumang pagsubok, sa ngalan ng ating kapwa.” ani Robredo.

“Tayo mismo ang titig sa mukha ng krisis na ito at buong tapang na ihahayag: “Maari mo kaming mapaluhod, pero hindi kailanman napigilan ang paulit-ulit at taas-noo naming pagtindig. Pilipino kami. Mas malakas kami sa anumang pagsubok,” dagdag pa niya.

Iminungkahi rin ni Robredo ang pagbibigay ng P5,000 kada buwan sa mg pinakamahihirap na pamilya sa Pilipinas.

 

 

Facebook Comments