Home Celebrities John Regala sinabing wala siyang natanggap na pera mula sa grupong nanghingi ng donasyon gamit ang pangalan niya

John Regala sinabing wala siyang natanggap na pera mula sa grupong nanghingi ng donasyon gamit ang pangalan niya

0

Sinabi ng dating action star na si John Regala na wala diumano siyang natanggap na pera mula sa isang grupo ng mga artista na nanghingi ng donasyon para tulungan siya.

Sa episode ng Wanted sa Radyo, sinabi ni Regala na wala siyang alam tungkol sa perang nilikom ng grupo nila Chuckie Dreyfus, Nadia Montenegro at Aster Amoyo.

Maalalang sila Dreyfus ang nag anunsyo noon na puputulin na nila ang pagtulong kay Regala dahil sa hindi nito pagsunod.

“Nasan po kayo ‘yon, yung tulong na sinasabi nila, ‘yung kinalap nila?” tanong ni Regala.

Ayon kay Regala, wala siyang natanggap ‘ni singko’ sa perang nilikom nila Dreyfus para sa kanya.

“Actually humihingi pa nga ako sa kanila, pero wala silang binibigay sa akin, wala namang proof kung magkano ang ibinigay ng kapwa ko artista o netizen or yung ibang tao,” saad ni Regala.

Sinabi ni Regala na ang ginawang bank account nila Dreyfus para sa kanya ay zero balance na.

“Hindi po ako magsisinungaling sa inyo kuya Raffy (Tulfo) napakasamang ko ng tao kung magagawa ko pang magsinungaling sa inyo,” saad niya.

Nanghingi pa diumano ng $1000 ang grupo nila Dreyfus sa dating aswa ni Regala upang mabayaran ang gastusin sa ospital ng dating aktor, dahil kulang pa daw ang nalikom nila para makalabas ito sa pagamutan.

Inireklamo rin ni Regala kung bakit siya dinala sa mamahaling ospital at binigyan ng maraming doktor.

Umabot diumano ng 137,000 ang binayaran ni Regala sa kanyang pamamalagi sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Tumulong din daw sa kanyang pag papagamot sila Vic Sotto, dating Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla.

Hindi naniniwala si Regala na 87,000 lamang ang ibinigay nila Sotto, Estrada at Revilla dahil ang grupo nila Dreyfus ang tumanggap ng donasyon at hindi siya mismo.

Photo courtesy: Raffy Tulfo in Action

Paliwanag naman ni Dreyfus, lahat ng perang dumadaan sa kanilang grupo ay ginamit sa pagpapa ospital at pagpapasweldo sa tagapag alaga ni Regala.

May personal bank account din daw si Regala at doon daw pinapadala ang ibang donasyon.

Umabot daw ng 290,000 ang nalikom nilang pera para kay Regala.

Pinakita rin nila ang isang bank certificate na magpapatunay na nagpadala sila ng 115,000 sa account ni Regala.

Mayroon din silang listahan ng mga taong nagbigay ng donasyon sa dating aktor upang mapatunayan na hindi nila itinakbo ang pera.

Pero iginiit ni Regala na wala siyang napakinabangan sa mga donasyong kinalap nila Dreyfus.

“Wala po (akong natanggap) kasinungalingang malaki po ‘yan,” saad ni Regala.

Kinumpirma din ng assistant ni Regala na wala silang natatanggap na tulong kundi puro resibo lamang at wala daw ipinadala ang grupo nila Dreyfus na listahan ng mga nagbigay ng donasyon sa dating aktor.

Facebook Comments