Netizen hinimok ang GMA na patalsikin si Arnold Clavio dahil sa ginawa nito kay Sarah Balagbagan

0
27558

Hinimok ng ilang netizen ang GMA-7 na sisantehin ang kanilang batikan na broadcaster na si Arnold Clavio dahil sa ginawa diumano nitong kalokohan 22 taon na ang nakakaraan.

Sa isang Facebook post, hinimok ni Krizette Laureta Chu ang GMA News at ilang executives ng nasabing istasyon na bigyan ng parusa si Clavio dahil sa ginawa niya kay Sarah Balagbagan na diumano’y binuntis nito.

17 anyos pa lamang si Balagbagan noong diumano’y nagkaroon siya ng anak kay Clavio na siyang nagco-cover ng kanyang istorya.

Nakilala si Balagbagan na isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) dahil sa naging kaso nito sa United Arab Emirates matapos niyang ipagtanggol ang sarili niya sa kanyang employer.

Tinanong ni Chu kung kaya bang maatim ng GMA na mamalagi si Clavio na diumano’y sinamantala ang kahinaan ni Balagbagan noon.

“GMA News kaya ba ng konsensya nyo to employ someone who took advantage of a young 17 girl old girl who suffered at the hands of her employer? Made her pregnant, told her to shut up, and kept it from the public? No accountability,” ani Chu.

“And ihaharap nyo sa amin yan, delivering news? A liar through and through? You will risk being the best news and current affairs channel because of a man whose USP is having a puppet?” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya, dapat hindi hayaan ng GMA na maging “cheap” ang kanilang istasyon dahil sa hinayaan nilang mamalagi si Clavio sa kanila kahit na nalaman na ng lahat ang ginawa nito kay Balagbagan.

Kahit na ang kasamahan noon ni Clavio na si Jay Sonza ay tila hindi napigilan na magparinig sa mamamahayag.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni Sonza na may parusa sa mga taong nanamantala sa mga menor de edad.

Hindi man binanggit ni Sonza ang pangalan ni Clavio ay maraming followers niya ang agad nahulaan kung sino ang pinapatamaan nito.

Ilang araw lang ang nakakaraan ay mismong si Balagbagan ang nag kumpirma ng kanilang relasyon noon ni Clavio.

Hindi naman nagbigay ng kahit anong komento si Clavio.

 

Facebook Comments