Home Celebrities Tim Sawyer, dinepensaha ang sarili: “Wala akong balak itago sa kanya forever ang kinikita ko”

Tim Sawyer, dinepensaha ang sarili: “Wala akong balak itago sa kanya forever ang kinikita ko”

0

Vlogger na si Tim Sawyer, dinipensahan ang sarili matapos siyang akusahan ng kanyang partner na dating FHM model na si China Roces na sinosolo nito ang kanyang pera.

Sa isang statement, ipinaliwanag ni Tim na matagal na ang away nila tungkol sa pera ni China at sinubukan niyang palamigin ang sitwasyon kaya’t umalis muna ito sa kanilang tirahan at umupa ng ibang matutuluyan.

Ayon sa kanya, alam niya na malalaman din ni China ang lahat tungkol sa kinikita niya dahil hawak ng kanyang partner ang lahat ng social media accounts niya, pati ang mga email na ginagamit niya sa trabaho.

“NONG JULY 29 KONG NA PANSIN NYO ONE WEEK AKO HINDI NAKA PAG UPLOAD NG VIDEO KASI NAG LAYAS AKO DITO SA BAHAY DAHIL NGA NAG WAWALA NA NAMAN SI CHINA DAHIL NGA JAN SA PERA NA ISSUE NAYAN,”

“UMALIS AKO NG BAHAY WALA AKONG BITBIT BELT BAG KO PERO LAHAT NG CELPHONE KO NA SA KANYA , MAY INUPAHAN AKONG BAHAY DITO MALAPIT LANG SA TINITIRHAN NAMIN DIKO SINABI SA KANYA YUN KASI ALAM KO KONG MAG LALAYAS AKO SWEMPRE HAHANAPIN NYA AKO E MAKE SURE DI NYA AKO MA HANAP,”

“MAY TINAYO KASI AKONG NEGOSYO DITO ALAM NYA YUN SINABIHAN KO SYA NA MAG TATAYO AKO NG NEGOSYO TSAKA BALAK KONG MAG OPA NG BAHAY WHICH IS GINAWA KO NA KAHIT DI PA NYA ALAM…NONG TIME NAG LAYAS AKO JULY 29 PA YUN,”

Inilahad pa ni Sawyer na simula ng malaman ni China ang kanyang kinikitang milyon milyon sa pagba-vlog ay inalok niya ang kanyang partner na bibigyan siya nito ng 100,000 pesos kada buwan, hindi pa daw dito kasama ang ‘luho’.

“ALAM NA NYA YUNG KINITA KONG PERA SABI KO BABY ITO DEAL KO SAYO BIGBIGYAN KITA NG 100k A MONTH MALINIS NAYAN DIPA KASILI LAHAT NG LOHO MO GALING SAKIN..DITO SA BAHAY..LAST JULY DI PA NYA ALAM KINIKITA KO NAG PA BILI SYA SA AKIN NG LV BAG WORTH 85K BINILI KO SWEMPRE PARA NAMAN MA FEEL NYA YUNG EFFORT NA GINAGAWA NYA SA VIDEO,”

Itinanggi niya rin na nagtatago siya ng kanyang pera kay China noong sa Youtube palang siya kumikita.

Ipinaliwanag ni Tim na maaring ang kasalukuyang kalagayan ng bansa ang dahilan kung bakit kumita siya ng milyon milyon at sinabing hindi niya naman hambuhay itatago ang kanyang earnings sa partner niya.

“ALAM NYO BIGLA KAMI SUMABOG EXPECTED KO NA NA MALAKI TALAGA MAKUKUHA KONG PERA PERO WALA AKONG BALAK NA ITAGO SA KANYA FOREVER AT ALAM KO SA WISE NG BABAE NAYAN MA LALAMAN DIN NYA YAN..KASI UNA HAWAK NYA ACCOUNT KO..KAYA NGA NAKAPAG LIVE YAN KAHAPON SA PAGE EHH.. KASI MAY ACCESS SYA SA SOCIAL MEDIA KO,” 

Ilang linggo narin ang nakakaraan nang madiskubre ni Tim na unti unti na palang binubura ni China ang mga videos niya kaya’t nagalit ito sa kanyang partner.

“DON KO NA LAMAN NA INUNTIUNTI NA NYA DENELETE MGA VIDEOS NAMIN NAG POST PA SYA SA DITO SA PAGE NAG PARINIG TUNGKOL NGA JAN SA PERA NA YAN..ALAM NYO SI CHINA MABAIT YAN KASO PAG GALIT DI NYA GINAGAMIT UTAK NYA YAN ANG PROBLEMA SA KANYA,” 

Hindi niya rin daw ipagpapalit ang kanyang pamilya sa milyon milyon niyang kinikita sa social media kaya nga’t nag desisyon na ito na bumalik sa kanilang bahay.

Kinuwenta din ni Tim ang kanyang mga bayarin sa bahay katulad na ng binabayaran niyang 25,000 pesos kada buwan na electric bill.

Bago niya tapusin ang kanyang Facebook post ay humingi ng respeto si Tim dahil pinaghirapan niya rin naman ang kanyang naabot ngayon lalo na’t lumaki itong mahirap.

Ginulat ng internet celebrity couple ang mga netizen noong Sabado matapos biglang mag live si China gamit ang Facebook page ni Tim.

Inakusahan ni China si Tim na sinosolo nito ang kanyang “milyon milyong” kinikita sa vlog at sinabi rin nito na bumili ng bahay ang vlogger ng hindi niya alam.

“Ang sabi niya kanina sa kanya lang daw ‘yung [pera] pinaghirapan niya daw ‘yon mag isa, wala daw akong karapatan doon, so bakit daw siya mag aambag dito sa bahay, bakit daw siya gagastos, bahay ko lang naman daw to, kotse ko lang naman daw to,” ani China.

Facebook Comments