Pauleen Luna, kakasuhan ang netizen na tumawag sa kanyang anak na ‘pangit’

0

Hindi napigilan ng aktres na si Pauleen Luna-Sotto ang galit sa isang netizen na tinawag na ‘pangit ang kanyang anak na si Tali Sotto.

Nag umpisa ang lahat ng i-post ng nasabing netizen na si Patrich Walter L. Harris ang father’s day tribute ng Facebook page ni Tali kay Vic Sotto.

Kahit na inulan na ng batikos si Harris ay hindi ito nag paawat at lalo pang naging maanghang ang kanyang mga sinabi tungkol sa bata.

Tila biro lang sa iba ang pinagsasabi ni Harris, pero sineryoso ito ng ina ni Tali at siya mismo ang gumawa ng paraan upang i-contact ang nasabing netizen.

Pinaalalahanan ni Pauleen si Harris na ang kanyang ginagawa ay maaring labag sa batas at maaring ikatapon niya sa piitan.

Tila hindi pa nga naniwala si Harris na si Pauleen nga ang kanyang kausap kaya’t inalok niya itong makipag voice chat.

Tila hindi pa sineryoso ni Harris ang banta ni Pauleen dahil siya mismo ang nag post ng conversation nilang dalawa sa social media.

Sinabi pa nito na hindi siya mag public apology at mas handa siyang dalhin sa piitan.

Kinagulat naman ng karamihan ng bigla nalang mag public apology si Harris sa huli.

“Ako po si Patrich Walter Harris taos pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni M’am Pauline Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters fans ni Pauline at Family Sotto ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat,” saad ni Harris.

“Ako ay nagsisisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat! Thank you so much,” dagdag pa niya.

Ayon kay Harris ay tinanggap ni Pauline ang kanyang public apology.

Hindi ito ang unang beses na nag message si Pauleen sa isang netizen dahil sa kanilang comment.

Ilang buwan na ang nakakaraan, kinompronta ni Pauleen ang isang netizen dahil nag request ito na kantahin nila ng kanyang asawa na si Vic Sotto ang “Spoliarium”.

 

Facebook Comments
Previous articleJayzam ng JaMill binatikos ang mga lumalabag sa batas para magpapansin sa internet
Next articleVP Robredo, automatic na magiging pangulo kung magkakaroon ng revolutionary government – Macalintal
Rodrigo Extramadura is a Computer Engineering graduate who found his real passion in writing and following the daily happenings in the country.