Home Celebrities China Roces, may sagot sa depensa ni Tim Sawyer: “Nakakalungkot lang kasi nasilaw ka sa pera”

China Roces, may sagot sa depensa ni Tim Sawyer: “Nakakalungkot lang kasi nasilaw ka sa pera”

0

Sinagot kagad ni China Roces ang depensa ng vlogger na si Tim Sawyer ilang araw matapos silang sumikat sa social media dahil sa kanilang pagtatalo sa pera.

Sa isang Facebook post ay sinabi ni China na ang bag na binabangit ni Tim na binili niya sa kanyang partner ay ibinebenta rin pala ng dating FHM model upang kumita ng pera.

Matatandaan na sinabi ni Tim na ibinili niya daw ng LV bag si China noon na nagkakahalaga ng 85,000 pesos.

“Nandito lang naman ung Lv na sinasabi mo na binili mo! Pambenta ko para mapaikot ang pera para sa mga gastusin sa bahay!! Ikaw? Kumuha ka ng bahay at kukuha ka ng kotse para sa sarili mo??”

Matagal ng negosyo ni China ang pagbebenta ng mga handbags sa social media upang kumita para sa kanyang pamilya.

Ikinalungkot din ni China kung gaano kabilis nagbago ang kanyang asawa matapos nitong maabot ang kasikatang tinatamasa niya ngayon.

Ayon sa kanya ay tila nasilaw na si Tim sa salapi.

“Akala ko aabutin namin ang pangarap ng magkasama pra sa anak namin! Nun pala lahat lang pala ng ginagawa namin ay para sa sarili niya!! Nakakalungkot lang kasi nasilaw ka sa pera! ginamit mo lang kami ng anak mo! Mas gugustuhin mo pa ibang babae makatrabaho at makasama.. wag mo lang mabigay yung karapatan ko!”

Sa isa pang post ay sinabi ni China na dalawang buwan palang nagbabayad ng bill ng kuryente si Tim.

Ito’y matapos banggitin ni Tim sa kanyang statement na nagbabayad siya ng 25,000 kada buwan sa kuryente para lang maging komportable ang kanyang pamilya.

Sinabi rin nito na marami ang nagsasabi na mayroon daw ibang babae na karelasyon si Tim.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa nangyayaring alitan sa pagitan nila Tim at China.

May ilan na kumakampi kay Tim, habang ang ilan ay sinasabing tama lang ang pinaglalaban ni China.

Facebook Comments