Home Celebrities China Roces ikinuwento sa kaibigan kung bakit siya galit na galit kay Tim Sawyer

China Roces ikinuwento sa kaibigan kung bakit siya galit na galit kay Tim Sawyer

0

Ilang linggo bago mangyari ang away sa pagitan ng internet celebrity couple na sila China Roces at Tim Sawyer ay naikwento na pala ng dating FHM model sa kanyang kaibigan ang problema niya.

Sa isang Facebook post, ipinakita ni Ralphe Laurent ang usapan nila ni China noong Agosto kung saan ay kumpletong inihayag ng kanyang kaibigan ang dahilan kung bakit sila nag aaway sa pera ni Tim.

Ayon kay China ay humihiling siya ng 200,000 pesos kada buwan kay Tim, ngunit sinabi ng partner niya na kailangan magpirmahan sila kung gusto niyang makuha ang ganong kalaking halaga.

Sinabi daw ni Tim sa kanya na so-solohin niya ang royalty sa lahat ng videos na gagawin nila kapalit ng 200,000 pesos kada buwan.

Reklamo naman ni China, napakalayo ng 200,000 pesos na hinihingi niya sa milyon milyong kinikita ng kanyang partner kada buwan.

Tila lumaki daw ang ulo ng kanyang partner dahil kumikita na ito ng malaki.

Hindi naitago ni China ang gigil niya kay Tim dahil inubos niya ang pera niya sa kanyang partner para magkaroon sila ng malaking bahay.

Dahil dito ay nag desisyon siya na burahin ang vlog nila ni Tim na mayroong 25,000,000 views.

Ipinakita rin ni China sa kanyang kaibigan ang perang kinikita ni Tim kada buwan.

Sabi pa daw ni Tim ay nagpipilit lang si China na sumama sa mga vlog nila.

Wala rin daw karapatan si China sa mga social media pages na pag mamay ari ni Tim.

Hindi daw alam ni China kung bakit itinatago ni Tim ang perang kinikita niya at saan ito dinadala.

Nadiskubre din nito na bumili ng sariling vault si Tim para itago ang kanyang kayamanan.

Noong Agosto 5 ay sinabi ni China na nakapag usap na sila ng maayos ni Tim tungkol sa kanilang problema.

Pero ilang linggo matapos silang mag usap ay umabot na sa sukdulan ang away ni China at Tim.

Noong Sabado ay nag live si China upang ipaalam sa milyon milyong followers ni Tim na sinosolo ng vlogger ang kanyang pera at bumili pa ito ng bahay ng hindi niya alam.

Dinepensahan naman ni Tim ang kanyang sarili at sinabing hindi niya naman habambuhay itatago ang pera niya kay China.

“ALAM NYO BIGLA KAMI SUMABOG EXPECTED KO NA NA MALAKI TALAGA MAKUKUHA KONG PERA PERO WALA AKONG BALAK NA ITAGO SA KANYA FOREVER AT ALAM KO SA WISE NG BABAE NAYAN MA LALAMAN DIN NYA YAN..KASI UNA HAWAK NYA ACCOUNT KO..KAYA NGA NAKAPAG LIVE YAN KAHAPON SA PAGE EHH.. KASI MAY ACCESS SYA SA SOCIAL MEDIA KO,”  ani ni Tim.

 

Facebook Comments