Home Celebrities Chuckie Dreyfus may pasaring sa isang tao na sobra daw nilang inangat “para hindi lumabas ang baho”

Chuckie Dreyfus may pasaring sa isang tao na sobra daw nilang inangat “para hindi lumabas ang baho”

0

Hindi na nakapagpigil ang aktor na si Chuckie Dreyfus sa isang tao na pilit daw nilang inaangat at pinoprotektahan sa mata ng publiko.

Sa isang Facebook post, itinanggi ni Dreyfus na nilaglag nila ang tao na ‘yon at ang totoo ay inangat nila ito.

Sinabi ito ni Dreyfus ilang araw matapos nilang putulin ang suporta nila sa aktor na si John Regala dahil sa ‘uncooperative’ ito.

Kasama ni Dreyfus sila Nadia Montenegro at Aster Amoyo sa pagtulong kay Regala.

Pero itinanggi ito ni Regala at sinabing nahihiya lamang siya sa mga natulong sa kanya.

“Walang nilaglag. Sa katunayan, sobra-sobra ngang inangat eh,” ani Dreyfus.

“Sobrang pagaangat at pagtakip ang naganap para lang hindi magmukhang masama ang tao sa mata ng publiko at para hindi lumabas ang baho,” dagdag pa nito.

May ilan namang kaibigan niya ang nagbigay ng clue kung sino ang pinapatamaan ni Dreyfus.

“Mahirap tumulong sa abusado,” sabi ni netizen Honie Diolatan.

“Kayo din makulit eh.. tingin mo ba sa dami na kasama nyan dika nagtataka walang tumutulong sa kanya? kayo lang nagpasiklab eh edi kayo ngayon napasama.. sinabi na nga inyo na sh@bu is life,” ani Saul Goodman.

“Alam naman na cguro sa nakararami ang baho niya at kahit ganun paman madami parin kami mga tao nagtitiwala at nagmmhal saknya ! amenado naman dn siya hindi nia tinatago yun ! Kaya nga napagbayaran nia ngaun? na alam nia Yun ! dami artista nagkaganyan pero nakakabilib lang siya sa pagtanggap nia bilang siya!!” saad ni Theresa Vivestre.

Dinepensahan naman ni Dreyfus ang kanyang ginawang pagtulong kay Regala at sinabing bukal sa loob nila ang pagtulong sa dating action star.

“Walang masama sa pagbibigay ng pagkakataon sa kaibigan. Sinubukan namin tulungan dahil bukal sa loob namin at naawa talaga kami. Gawa ng pagmamahal yun. Kung nabigo kami, ok lang. Basta hindi kami nagkulang,” sagot ni Dreyfus.

Samantala, sinabi Regala sa isang panayam ng Raffy Tulfo in Action na hindi siya “uncooperative” at maaring nabigyan lang ng maling kahulugan ang kanyang intensyon na umuwi na sa bahay.

“Yung sinasabi nila Chuckie, Nadia, at Aster na uncooperative ako, nalulungkot ako dahil na-misinterpret nila yung damdamin ko bilang isang tao na talagang nakakahiya po talaga,” ani Regala.

Kahit na nag alok si Tulfo na sasagutin niya ang muling pagpapa ospital kay Regala ay tumanggi na ito.

Pero hiling naman ni Regala ay sana ay magkaroon siya ng panggastos para sa therapy.

 

 

Facebook Comments