Home Celebrities Sana all! Awra Briguela binatikos si Buknoy Glamur dahil sa paglabag nito sa quarantine rules

Sana all! Awra Briguela binatikos si Buknoy Glamur dahil sa paglabag nito sa quarantine rules

0

Binatikos nanaman ng mga netizen ang vloger na si Buknoy Glamur matapos itong lumabag diumano sa quarantine rules na ipinapatupad ngayon ng gobyerno.

Sa isang video na inupload sa Twitter, makikita si Buknoy, 16, na naglalakad ng walang suot na face mask sa kalagitnaan ng gabi.

Mapapansin din na inaawat siya ng kanyang kasamahan dahil ito’y nakainom at “lasing” na.

Ngunit hindi nagpapigil si Buknoy sa kanyang pagrampa at nagsisigaw pa ito.

“Sino single, sana all may jowa… sana tsimosa… sana may pera,” ani Buknoy.

Sa huling parte ng video ay biniro pa si Buknoy ng kanyang kasama at sinabing may barangay patrol na paparating kaya kumaripas ng takbo ang vlogger.

Hindi nagustuhan ni Briguela ang ginawa ng kanyang kapwa LGBT na si Buknoy.

“SANA ALL NAKAKALABAS NG WALANG FACEMASK, SANA ALL NASUNOD SA PROTOCOL AT SANA ALL WALANG CURFEW YUNG LUGAR.” saad ni Briguela.

Hindi rin naitago ng ilang netizen ang kanilang gigil kay Buknoy na inulan din ng batikos noong nakaraang buwan dahil sa pagmamaliit nito sa mga tricycle driver.

Ayon sa kanila ay dapat managot si Buknoy sa kanyang paglabag sa batas.

“Buknoy is trending right now after violating curfew, non use of face masks and no face shield protocols. Another disappointment again, Buknoy is influencer really?? You don’t deserve to be called an influencer,” sabi ng isang netizen.

May iilan din namang nagtanggol kay Buknoy at sinabing para sa “content” lang ang kanyang ginawang paglabag sa protocol.

“Not a fan of buknoy but i think nothing is serious about this. maybe he intentionally remove his mask for a short time to film this vid. nakita nyo lang na walang mask dito naconclude nyo na na violator siya? Woozy face plus wala namang tao sa paligid,” sabi ni netizen @queeniejessy

“Dala naman niya face mask niya.. Siguto nong nagsalita nalang siya tas niya inalis mask niya?? Parang yun lang tingin ko ah im not fan of buknoy but if you cant see nasa righthand niya yung mask niya… Baka lang naman siguro… Pero wag pa din tularan,” ani @Janicef80892999

Hindi pa nagbibigay ng kumento ang mga otoridad sa ginawang paglabag ni Buknoy.

Facebook Comments