Home Celebrities Kampo ni Baninay Bautista nagsalita na matapos siyang ulanin ng batikos kay Pokwang

Kampo ni Baninay Bautista nagsalita na matapos siyang ulanin ng batikos kay Pokwang

0

Nagsalita na si Baninay Bautista at ang kanyang kampo matapos silang ulanin ng batikos dahil sa kanilang latest vlog na nagbigay takot sa ilang artista katulad ni Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang.

Sa isang post, sinabi ni Baninay na hindi niya maatim na gumawa nang bagay na maaring magdulot ng diskriminasyon sa mga pasyente at doktor kaya’t minabuti niya na i-delay ang pag upload ng kanyang vlog.

“I DO NOT TOLERATE ANY KIND OF DISCRIMINATION TO C0VID PATIENTS, FRONTLINERS & EVEN SURVIVORS. This is one of the main reasons why we delayed the upload of our videos. We waited until everything went well. Thank you for all the love & prayers, stay safe everyone,”

Nag positibo si Baninay noong Hulyo 21 pa at dineklarang “recovered” noong Agosto 2.

Ngunit nag in-upload niya lamang ang vlog kahapon na nagbigay kalituhan at takot sa ilang artista na nakasalamuha ni Baninay noong August 16.

Kasama sa mga ito si Pokwang na gigil na gigil kahapon dahil hindi man lang kagad nilinaw ni Baninay ang kanyang kasalukuyang kondisyon.

Samantala, ang nobyo naman ni Baninay na si Bont Bryan Oropel ay to the rescue sa kanyang nobya.

“Hi Miss Pokwang, Nakikipagusap po kami ng maayos ni Baninay sa production nyo. Bago po sya sumalang sa show nyo ay Negative na po sya sa swab test 2 weeks na. Sinabi nya po yun sa TC at sa nurse sa show nyo. Bago po kayo mag simula diba po may rapid test at negative sya,” sabi Oropel kay Pokwang.

“Bakit po kailangan pa magsalita ng masasakit na salita? Kumpleto naman po ang detalye na binigay nya. At saka sobrang sama na po ng pinagdadaanan namin, namatayan po ako ng ama. Si baninay po ang katabi ko ng mawalan ng hininga ang papa ko na hindi kami inintindi,” dagdag pa nito.

“Nagpositive po ang buong pamilya namin. Hindi po namin kaya na pagkavlog ay iupload agad, sa pageedit po nahihirapan na kami lalo na po sa pagluluksa sa papa ko,” 

Samantala, hindi naman naniniwala ang ilang netizen na concern talaga si Baninay sa mga frontliners at tila naghahanap lang ito ng palusot.

Sa isang Twitter post, ipinakita ni netizen @AlBynes ang isang clip na magpapakita na sinabi ni Baninay na ayaw niyang makasalamuha ang mga doctor at pasyente.

Umani man ng batikos si Baninay, ay sulit naman ang isyu na kinaharap niya dahil inulan ng views ang kanyang mga vlog.

Sa ngayon ay mayroon ng 1.3-M ang kanyang vlog.

 

Facebook Comments