Home Social Media Mga rider, maari ng mag angkas ng walang motorcycle barrier sa ilalim ng GCQ

Mga rider, maari ng mag angkas ng walang motorcycle barrier sa ilalim ng GCQ

0

Hindi na ire-require ng mga otoridad na maglagay ng motorcycle barrier ang mga rider na may angkas simula bukas sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Inanunsyo ng Joint Task Force C0vid shield na ang protective barrier para sa backriding ay hindi na kinakailangan, ngunit may mga kondisyon silang inilatag para hindi sila masita.

Ayon sa aprubadong transition protocol sa motorcycle back riding na magiging epektibo sa August 19, 2020:

  • Ang rider at ang angkas ay nakatira sa iisang bahay
  • Kung ang rider at ang angkas ay hindi nagsasama sa iisang bubong ay dapat parin silang magdala ng “Angkas designed barrier”.
  • Ang angkas ay dapat Authorized Persons Outside Residence (APOR)
  • Maaring APOR o hindi ang rider.
  • Ang rider at ang kanyang angkas ay dapat may soot na face mask at naka full face helmet.

Inulan ng batikos ang nasabing utos ng gobyerno mula sa mga netizens at eksperto.

Ayon sa kanila ay nakaka apekto ang motorcycle barrier sa balanse ng motorsiklo.

“The barrier will contribute to the change of the designed allowable aerodynamic forces (drag and lift), which will compromise the stability of the motorcycle. This will place the safety of the riders at risk,” saad ng Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME).

“With the barrier attached when the motorcycle is in motion, the front side of the barrier builds up pressure while creating turbulence and suction behind the barrier,”  dagdag pa nila.

Ang ilan naman ay sinabing ang ginastos nila sa pagbili ng barrier ay pambili narin sana ng bigas at iba pang pangangailangan.

Hindi pa nagbibigay ng kumento si Interior Secretary Eduardo Ano na isa sa mga tagapagtanggol ng motorycle barrier.

 

Facebook Comments