Home Politics Tito Sotto binanatan ang mga kritiko: “Hirap na hirap na tayo, ganyan pa sila!”

Tito Sotto binanatan ang mga kritiko: “Hirap na hirap na tayo, ganyan pa sila!”

0

Hindi na nakapagtimpi si Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos pasinungalingan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga tsismis na lumipad ng ibang bansa si Pangulong Rodrigo Duterte upang magpagamot.

Matapos ilabas ni Go ang isang larawan na magpapatunay na si Duterte ay nasa Davao City, pinaringan ni Sotto ang mga kritiko ng Pangulo at sinabing marami nanaman ang nalungkot dahil hindi totoo ang balita na kailangan magpagamot ng Presidente.

Hindi naman natuwa si Sotto dahil may mga tao na gustong gusto na may masamang mamangyari kahit na nasa gitna na tayo ng krisis.

“Dami na namang disappointed,” ani Sotto.

“Bakit ba gustong gusto nila na may masamang mangyari sa gobyerno? Hirap na hirap na tayo, ganyan pa sila!” dagdag pa niya.

Mismong si Pangulong Duterte ay sumagot narin sa mga paninira sa kanya at sinabing hindi niya itatago sa publiko kung siya man ay pupunta sa ibang bansa.

“I enjoy what you citizens in this republic enjoy. I have no obligation to keep it a secret. For what? Hindi ako stupido. Sana naman maunawaan ninyo, abugado ako,” saad ni Pangulong Duterte.

“Hindi ka dapat maglagalag kapag may problema ang bayan. Ang baba naman ng tingin nyo sa akin kung ganoon. Let me be very frank. If I want to go to Singapore, I will go to Singapore. If it’s a private undertaking… I will go there fly in, fly out… Kung gusto ko umalis, aalis ako, I don’t need to keep it a secret,” dagdag pa nito.

Kasalukuyang naka “perpetual isolation” si Pangulong Duterte upang maprotektahan ang kanyang kalusugan.

Sinisigurado ng Presidential Security Group na walang makakalapit sa Pangulo.

Facebook Comments