Home Celebrities Boy Abunda sinagot kung naniniwala ba siya na involve si Pangulong Duterte sa pagpapasara ng ABS-CBN

Boy Abunda sinagot kung naniniwala ba siya na involve si Pangulong Duterte sa pagpapasara ng ABS-CBN

0

Nagsalita na si Boy Abunda kung naniniwala ba siya na gumawa ng paraan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ng tuluyan ang ABS-CBN.

Sa unang episode ng online show ni Abunda na “Talk About Talk”, nagbigay ng patas opinyon si Abunda tungkol kay Pangulong Duterte.

Matatandaan na ilang beses binatikos ng Pangulo ang ABS-CBN at sinabi pa nito na dapat ay ibenta nalang ng mga Lopez ang nasabing broadcasting company dahil wala na silang pag asang makakuha ng prangkisa.

Hanggang ngayon ay may mga artista at fans ng ABS-CBN ang isinisisi kay Pangulong Duterte ang nangyari sa Kapamilya Network.

“It’s very difficult to speculate. I think so… I mean, even if the President didn’t ask for the vote, some people were there to please the President,” ani Abunda.

Pero ayon sa King of Talk ay tinanggap ni Pangulong Duterte ang paghingi ng tawad ni ABS-CBN President Carlo Katigbak.

Ayon sa kanya, naniniwala siyang lumambot na ang puso ng Pangulo sa ABS-CBN.

“Pero maaalala natin, let’s be fair no, after the President is very vocal about his feelings towards ABS-CBN, President of ABS-CBN Carlo Katigbak apologized. Lumambot ang Presidente. Sabi niya, okay na yun, tapos napag usapan na ‘yung bayad na tinanggap at hindi na naibalik,” saad ni Abunda.

“Parang ako, as a citizen of this country and as someone who work for the network, ang tingin ko, ‘Ay, parang lumambot na ang Presidente sa ABS-CBN.’ And I saw that, I believe that,” dagdag pa niya.

Isa si Abunda sa mga pinaka nalungkot sa nangyari sa nasabing istasyon.

Noong Pebrero ay tinaggap ni Pangulong Duterte ang paghingi ng tawad ng ABS-CBN, pero sinabi nito ang desisyon ng prangkisa ng nasabing kumpanya ay nasa kamay parin ng Kongreso.

Sinabi rin ng Malacanang na “neutral” si Pangulong Duterte sa ABS-CBN franchise issue.

Sa kanyang ikalimang SONA naman ay binanatan muli ni Pangulong Duterte ang mga may ari ng ABS-CBN at inakusahan ito na ginamit ang network para kontrolin ang politika sa Pilipinas.

 

 

Facebook Comments