Home Uncategorized Manny Pacquiao inireklamo ng mga kapitbahay niya noon dahil sa pagtanggap niya ng mga bisita na simple lang ang pananamit

Manny Pacquiao inireklamo ng mga kapitbahay niya noon dahil sa pagtanggap niya ng mga bisita na simple lang ang pananamit

0

Si Senador Manny Pacquiao ang isa sa mga pinakamatagumpay na atleta sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ang kanyang matagumpay na boxing career din ang nag ahon sa kanya sa kahirapan kaya naman kahit sa mga mamahaling subdivision ay nakakabili ng properties ang tinaguriang ‘Pacman’.

Kamakailan lang ay pinag usapan ang diumano’y ibinebenta na ni Pacquiao ang kanyang tatlong palapag na mansyon sa Forbes na nabili niya noong 2011 sa halagang P400-M.

Ayon sa website na Presello, nagkakahalaga na ngayon ng P1.5-B ang nasabing mansyon.

“This wonderful Zen Inspired mansion was designed with exceptional tastes, the feel and vibe of this mega-mansion have a very tropical modern feel with a touch of elegant resort-like vibe. Come see this wonderful mega-mansion for yourself!” saad ng nasabing website.

Litrato mula sa Presello

Hindi naman sinabi ng nasabing website na si Pacquiao ang may ari ng nasabing mansyon.

Ngunit sa mga Instagram post noon ni Jinkee Pacquiao ay makikitang magkaparehas ang mansyon nila sa ibinebenta ng Presello.

 

View this post on Instagram

 

🍃🍀 Good Morning. Smile and be happy. Today will be AMAZING! 🍃☘️💚 #wednesdayfeels #home #bepositive #givelovealways

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Dahil sa balitang ito ay naungkat nanaman ang istorya tungkol sa tila diskriminasyon na naranasan ni Pacquiao mula sa kanyang mga kapitbahay.

Mula sa Instagram page ni @jinkeepacquiao

Noon 2014 ay sinabi niya na balak niyang ibenta ang nasabing mansyon dahil narin sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay na tinatawag na “old rich” o ‘yung mga tao na nabibilang sa mga prominenteng pamilya na matagal ng mayayayaman.

Ibang iba naman si Pacquiao sa kanyang mga kapitbahay dahil ipinanganak siya na mahirap.

Ayon kay Pacquiao, nag umpisa ang reklamo ng kanyang mga kapitbahay noong nakita nila ang boxing champion na tumatanggap ng mga bisita na may simple lamang na pananamit.

Humingi naman siya ng tawad sa kanyang mga kapitbahayat sinabing hindi na mag iiba ang kanyang nakaugaliang pamumuhay.

“I may be as rich as some of them here, but my lifestyle remains the same and so is my heart. I am just a simple man. I will never change that,” ani Pacquiao.

Ayon sa kanya, mas gusto niya nalang na humanap ng ibang matutuluyan kung saan ay walang mag rereklamo dahil sa kanyang mga bisita.

Kasalukuyang nakatira si Pacquiao ngayon sa Dasmarinas Village na isa rin sa mga tinaguriang “posh subdivision” sa Metro Manila.

Noong nakaraang buwan lang ay tinawag na “Nouveau” ng aktres na si Agot Isidro si Jinkee Pacquiao.

Maraming fans ni Pacquiao ang binatikos si Isidro dahil tila nilalait ng aktres ang katayuan ng pamilya ng Senador.

 

Facebook Comments