Kinumpirma ni Ethel Booba na isa siyang taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at inamin din nito na ang nasabing politiko ang ibinoto niya noong 2016.
Sinabi ito ni Ethel sa panayam sa kanya ng Kapamilya journalist Miguel Dumaual.
“Yes, I did vote for President Duterte and I’m proud of it. Happy?” ani Ethel.
Yes i did vote for president Duterte and im proud of it. Happy? π
— Ethel Booba (@EthelBooba6) August 14, 2020
Ngunit tila hindi nagustuhan ni Dumaual ang sagot ni Booba at sinabi nito na maaring ang pagiging “DDS” ng komedyante at vlogger and dahilan kung bakit tila ang mga opinyon nito ay pabor sa gobyerno.
“You voted for him? Ok. Marami kayong nagoyo noon. Youβre proud of it? That certainly explains your behavior,” sagot ni Dumaual.
You voted for him? Ok. Marami kayong nagoyo noon. Youβre proud of it? That certainly explains your behavior. https://t.co/wTohTOcSoT
— Miguel Dumaual (@migueldumaual) August 14, 2020
Inulan naman ng kritisismo si Ethel sa kanyang Twitter account ngunit hindi nagpainda ang vlogger at sinabing libre ang mga ayaw sa kanya na i-unfollow ang kanyang social media page.
Goodnyt na uli mga teh sana naging happy ang araw nyo sa mga EWAN.
KUNG STRESS KAYO. May tinda akong LUBID MURA LANG πππ. HAPPY? π pic.twitter.com/eTrUKy3IXe— Ethel Booba (@EthelBooba6) August 13, 2020
“Oo mga teh 7 k palang yan umiiyak na kayo yung mga basher at hater mag unfollow na para alam ko wala nang nabubulok na naka follow sakin sana 2022 na para bumaha na namn ang luha ng mga luhaan. Spread nyo lang hate yan din naman ang balik sa inyo eh. Happy?”Β saad ni Ethel.
“Tsaka anong delete ang tweet. Dyan lang yan para sa mga. Malakas mang bash at makita ang kamalian ng iba pero sarili nila di nakikita salasalamin din mga bakla. My tweet is purely intended only to basher or troll na walang magawa sa buhay kaya kung tinamaan ka. Ikaw yun,” dagdag pa nito.
Tila inasar pa ni Ethel ang mga kritiko niya matapos siyang mag share ng larawan ng mga kongresista na gumisa sa ABS-CBN.
Ay wait last na talaga to parang centrum complete from a to z
Iyak uli mga bakla. Happy? π pic.twitter.com/ummjWkQWFm— Ethel Booba (@EthelBooba6) August 13, 2020
Matatandaan na inakala ng buong social media world na si Ethel ay kritiko ng gobyerno dahil narin sa mga tweets ng isang Twitter account na kalaunan ay tinawag niyang ‘fake’.
Naging laman pa ng mga pahayagan ang mga banat ng nasabing pekeng Twitter account ni Ethel.