Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesSharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob sa pamilya Duterte: "Nagulat kami...

Sharon Cuneta, naglabas ng sama ng loob sa pamilya Duterte: “Nagulat kami pati ang kalaban inendorso din!”

Hindi napigilan ni megastar Sharon Cuneta na maglabas ng kanyang sama ng loob kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Sa kanyang ngayo’y burado ng Instagram post, binanatan ni Sharon ang mga Duterte dahil diumano sa mga sinasabi nila tungkol sa relasyon niya kay Sen. Kiko Pangilinan.

Binanggit din nito ang ginawa diumanong pang-iiwan sa ere ng pamilya Duterte sa kanyang kapatid na si Chet Cuneta na matatandaang natalo sa pagka-alkalde ng Pasay City.

Ayon kasi kay Sharon ay sila Duterte ang nagpatakbo kay Chet, ngunit nagulat na lamang sila at sinuportahan din nila Digong at Inday Sara ang kalaban ng kanyang kapatid na si Mayor Imelda Calixto-Rubiano.

“HE HIMSELF ASKED & CONVINCED MY BROTHER TO RUN FOR MAYOR OF PASAY. MAY NARINIG BA KAYO SA AKIN? WALA. Nasaktan kami at ang mga anak ko. Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong. Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin. MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA.” ani Sharon.

“Ilang taon ko din silang halos hinayaang masaktan habang pinagtatanggol ko ng pilit si Tatay sa kanila. Pero SOBRA NA KAYO. AYOKO MAKASAMA ANG MGA TULAD NINYONG WALANG AWA O PUSO. ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAAN KO PA NA MAGPATULOY YUN NG ANO, NAKA SMILE LANG LAGI? HINDI KO NA KAYA.” dagdag niya pa

Hindi nagbigay ng kanilang tugon si Pangulong Duterte at Mayor Inday sara sa mga banat sa kanila ni Sharon.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular