Home Blog Page 308

Sarah Balabagan inakala noon na si Arnold Clavio ay isang “parusa ng Diyos” sa kanya

Ibinahagi ulit ni Sarah Balabagan ang kanyang istorya sa isang panayam ni Atty. Bruce Rivera.

Sa nasabing panayam ay ikinuwento ni Balabagan ang mga pagsubok na kanyang hinarap noong siya’y napunta sa Middle East upang magtrabaho hanggang sa siya ay mapiit dahil sa pagtatangol niya sa kanyang sarili mula sa kanyang amo.

Tila mas naging maanghang ang mga sinabi ni Balabagan sa nasabing panayam at ikinumpara pa nito si Clavio sa kanyang amo na nakatanggap ng 34 na saksak mula sa kanya.

Ayon kay Balabagan ay mas naging mabuti pa ang kanyang amo dahil nabigyan siya ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanyang sarili, habang sa kamay ni Clavio ay hindi.

“Sabi ko nga ‘buti pa ‘yung amo ko… parang feeling ko ngayon mas mabait pa ‘yung amo ko dahil binigyan ako ng chance na makipaglaban, kumpara doon sa tao [Clavio] na parang ahas na unti unti kang…” ani Balabagan.

Umabot din sa punto na akala ni Balabagan ay pinaparusahan siya ng Diyos dahil sa ginawa sa kanya ni Clavio na bumuntis sa kanya noong siya’y 17 anyos pa lamang.

“During that time, naisip ko sabi ko ‘Lord bakit mo pa ako iniligtas sa parusang kamatayan kung ganito rin pala ang kakahinatnan ko dito pagdating sa Pilipinas, sana namatay nalang ako doon,” saad niya.

Hindi naman naging dahilan ang kanyang mga naranasan kay Clavio upang itigil niya na ang paghahanap ng pagmamahal.

Hindi rin itinanggi ni Balabagan na nagkaroon siya ng problema sa pagpapalaki sa kanyang anak lalo na’t wala siyang alam sa pagiging ina.

Sinabi Balabagan na itinago niya sa kanyang anak ang tunay na pagkatao ng kanyang ama.

“From day one talaga hindi ko itinago sa kanya kung sino ang ama kasi inisip ko whatever happens to me atleast malapit siya sa pamilya niya, meron siyang pupuntahan,” saad niya.

Isang linggo na ang nakakaraan ay inilahad ni Balabagan ang kanyang nakaraang relasyon kay Clavio.

Hinimok niya rin si Clavio na magsalita na sa isyu dahil dalawang dekada na rin niya itong pinagbigyan.

 

Facebook Comments

Arnold Clavio, ibinahagi ang mensahe ng bibliya sa gitna ng kanyang katahimikan sa isyu nila ni Sarah Balabagan

Sa gitna ng kanyang pananahimik, ibinahagi ng mamamahayag na si Arnold Clavio ang isang berso sa bibliya.

Sa kanyang Instagram page ay makikita ang pagiging maka Diyos ni Clavio dahil hindi nito nakakalimutan na ibahagi ang mensahe ng bibliya sa kanyang mga followers.

“And you will know the truth, and the truth will set you free.” JOHN 8:32 .

 

View this post on Instagram

 

“And you will know the truth, and the truth will set you free.” JOHN 8:32 . Thank you.

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan) on

Ibinahagi ni Clavio ang nasabing berso isang araw matapos ibuking ni Sarah Balabagan ang kanilang naging relasyon noong 1996-1997.

Nag bahagi muli si Clavio ng isa pang berso mula sa Bibliya noong siya nama’y namigay ng tulong sa mga pamilya sa Caloocan.

“O God, grant that whatever good things I have, I may share generously with those who have not, and whatever good things I do not have, I may request humbly from those who do.” ani Clavio.

Naging kontrobersiyal ang pag amin ni Balabagan dahil 17 anyos pa lamang daw siya noong siya’y nabuntis ni Clavio na noo’y 32 anyos na at isa ng mamamahayag.

Hindi naman naitago ng mga netizen ang pagka dismaya kay Clavio dahil hanggang ngayon ay hindi parin ito nagbibigay ng kahit anong komento tungkol sa isyu nila ni Balabagan.

Ikinuwento pa ni Balabagan na may mga pagkakataon na lumuluhod sa kanya si Clavio h’wag lang niyang ilabas sa publiko ang kanilang naging relasyon.

Pero ngayon ay sinasabi ni Balabagan na ito na ang tamang oras kay Clavio upang magsalita dahil halos dalawang dekada niya itong pinagbigyan na itago ang kanilang nakaraan.

“Kung magsalita, aminin ni Arnold… wala na po akong ano basta importante kumbaga naipasa ko na yung burden sa kanya. Nasa kanya na yun kung aaminin na niya. ‘Wag niya lang idedeny. ‘Pag idedeny niya, ibang usapan na yun,” saad ni Balabagan.

 “Magpaka-lalake na siya, 22 years na yung binigay kong pagkakataon sa kanya. I hope and pray na ready siya, prepared na siya, na darating ang araw, mangyayari’t mangyayari ‘to.” dagdag pa niya.

Hindi rin nagbibigay ng pahayag ang istasyon ni Clavio tungkol sa isyu.

Facebook Comments

Ang galante! Kapuso journalist Arnold Clavio namigay ng donasyon sa 25 pamilya sa Caloocan

Ipinakita ni Arnold Clavio ang kanyang pagiging mapagbigay sa gitna ng kinakaharap nitong isyu matapos diumano niyang anakan ang Overseas Filipino Worker (OFW) at radio host na si Sarah Balabagan noong ito’y 17 anyos pa lamang.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Clavio ang mga aktibidad ng kanyang sariling grupo na “Igan ng Pilipinas Foundation Inc.”

Ayon sa kanya ay tumulong ang Igan foundation sa 25 pamilya na apektado ng pandemya sa Bagong Barrio Caloocan City.

Makikita sa mga litrato na namigay ng pagkain at ilang gamit si Clavio.

“O God, grant that whatever good things I have, I may share generously with those who have not, and whatever good things I do not have, I may request humbly from those who do.” ani Clavio.

“Today, Igan Foundation supported the #ProjectMALAYA2020 outreach program of NSTP-EF of De La Salle University of Manila,” dagdag pa nito.

Gamit din ni Igan ang #walangiwanankayigan upang ipabatid na hindi nakakalimot si Clavio na tumulong sa mga nangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan) on

 

Halos mag iisang linggo na ng aminin ni Balabagan ang kanyang nakaraang relasyon kay Igan na tumagal ng isang taon.

Inamin ni Balabagan na siya ay minanipula noon ni Clavio at pinayuhan na huwag aaminin ang kanilang relasyon sa publiko.

Hinamon naman ni Balabagan si Clavio na “magpakalalake” na dahil mahigit dalawang dekada na siyang hindi nagsasalita tungkol sa isyu.

“Kung magsalita, aminin ni Arnold… wala na po akong ano basta importante kumbaga naipasa ko na yung burden sa kanya. Nasa kanya na yun kung aaminin na niya. ‘Wag niya lang idedeny. ‘Pag idedeny niya, ibang usapan na yun.” ani Balabagan.

 “Magpaka-lalake na siya, 22 years na yung binigay kong pagkakataon sa kanya. I hope and pray na ready siya, prepared na siya, na darating ang araw, mangyayari’t mangyayari ‘to.” dagdag pa niya.

 

Facebook Comments

COMELEC commissioner Guanzon, sinabing posibleng manalo si Angel Locsin sa Senado: “Bright with a sincere heart”

Mismong si Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon na ang nagsabing mananalo ang aktres na si Angel Locsin kung sakali man na tumakbo ito bilang senador sa 2022.

Sa isang tweet, sinabi ni Guanzon na naniniwala siya sa abilidad ni Locsin na maging isang Senador.

May ilang humanga ngunit, may mga nag kwestiyon naman sa sinabi ni Guanzon na isa ring tanyag na abogado.

Isa si netizen Owen Martin (@Habagat007) sa mga taong kinukwestiyon kung bakit sinusuportahan ng COMELEC commissioner si Locsin na wala namang alam sa pag gawa ng batas.

“Hindi po sa ayoko sa knya maam..pero senator po ay tiga gawa ng batas, so d po ba dapat lawyers just like u? Although wala nmn sa requirement un kaya tingnan nyo naman kung sino sino n lang natakbo. Again po..I like Angel pero po sana wag naman natin sya sa Congress I push,” ani Martin.

Pero sagot naman ni Guanzon, kaya naman daw ni Locsin na maging senador at pwede rin itong kumuha ng magagaling na abogado upang tulungan siya sa pag gawa ng batas.

“Kaya ni  @143redangel yan, yong mga Lalake nga nag Senator e. Bakit babae hindi puede ? She will hire bright lawyers to help her,” saad ni Guanzon.

Dagdag pa ni Guanzon, kailangan daw sa kongreso ang mga taong walang “personal interest” at may pagmamahal sa bayan katulad ni Locsin na isa rin sa mga diumano’y top stockholder ng ABS-CBN.

“Maraming lawyers na hindi naman magaling at honest na Mambabatas. Kailangan natin yong walang personal interest . Bayan ang sa puso.

Hindi naman sumagot si Locsin sa suportang ipinakita sa kanya ni Guanzon.

Ilang linggo na ang nakakaraan, sinabi rin ng Kapamilya host na si Boy Abunda na susuportahan niya ang pagpasok sa politika ni Locsin.

Pero noong huling Mayo lang ang sinabi ng aktres na wala siyang interes pumasok sa politika.

“Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun.” saad ni Locsin.

Magbago kaya ang isip ni Locsin ngayong maraming tao ang nagpapakita ng suporta sa kanya?

Facebook Comments

Dating Senador Trillanes sinabing maibabalik ang ABS-CBN sa isang kondisyon

Nangako si dating Senador Antonio Trillanes IV na babalik ang ABS-CBN sa telebisyon ngunit kailangan daw munang manalo ang oposisyon sa eleksyon.

Sa isang tweet, sinabi ni Trillanes na magkakaroon ng prangkisa ang ABS-CBN kung sakali man na manalo ang mga pambato ng oposisyon sa 2022 presidential election.

Kasama sa mga pambato ng oposisyon si Bise Presidente Leni Robredo na maaring tumakbo bilang Pangulo.

“Mark my words, ABSCBN’s franchise would be granted once the opposition wins in 2022,” ani Trillanes.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Trillanes kung paano nila matutupad ang kanilang pangako sa mga supporters ng ABS-CBN.

May ilang natuwa at naasar sa tweet ni Trillanes.

“Face with  Dream on, keep dreaming free naman yan  parang alam mo me magic na mangyayari na naman sa 2022 ah pero May bad news kami sa inyo “we are going to be watching you like a hawk”!” ani @AnakNangKepweng.

“That’s why Leni Robredo is my President in 2022!” saad ni @Mang_INASAR.

Matatandaan na sinisisi ng mga taga suporta at ilang trabahador ng Kapamilya Network ang Duterte administration kaya’t hindi sila nakakuha ng panibagong prangkisa.

Pero ayon naman sa ilang taga suporta ng gobyerno ay lumabag sa batas ang ABS-CBN kaya’t nararapat lang ito na hindi na payagan pang makapag operate.

Ilan na rito ang diumano’y pag iwas ng ABS-CBN sa pagbabayad ng buwis at ang mga hindi nito makatarungang pagpapa alis sa ilan nilang empleyado.

Hindi pa nagbibigay ng kanilang komento ang ABS-CBN tungkol sa nasabing tweet ni Trillanes na kilalang kilala bilang kritiko ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments