Home Politics Pagbuo ng alyansang Isko-Inday Sara, insulto kay Doc Willie Ong: “Sure win na sana sa Senado!”

Pagbuo ng alyansang Isko-Inday Sara, insulto kay Doc Willie Ong: “Sure win na sana sa Senado!”

0

Pinuna ng isang blogger ang ginawang aksyon ng diumano’y grupo ng mga tagasuporta ni Presidential aspirant Manila City Mayor Isko Moreno na gustong kumbinsihin si vice presidential aspirant Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa isang alyansa sa pagitan ng niya at ng kapwa alkalde.

Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni Sass Sasot ang kanyang panghihinayang dahil sa sana’y mataas ang tsansa ng kasalukuyang tandem ngayon ni Moreno na si vice presidential aspirant Dr. Willie Ong na manalo ng pwesto senado.

Ngunit dahil sa pagkumbinsi ni Moreno ay mas pinili ni Ong na tumakbo sa pagkabise presidente imbis na sa pagkasenador.

Tinawag na “insulto” ni Sasot ang ginagawa ngayon ng ilang tagasuporta ni Moreno na buuin ang alyansang “IS-SA” o Isko-Sara.

“The call for Isko-Sara is an insult to Willie Ong. Sure win na dapat sa senado, tapos kukunin ninyong VP at di ninyo susuportahan?? Hwag ganon!” sabi ng blogger.

Mula sa Facebook page na For the Motherland – Sass Rogando Sasot

Matatandaan na tinanggihan na ni Duterte ang alok na ito ng nasabing grupo.

“While I continue to respect your decision to support another presidential candidate, it is with a heavy heart that I cannot be one with you on this. Mahalaga ang pagpili ng isang team na maglilingkod sa ating bayan. Handa ang UniTeam BBM-Sara para harapin ang mga hamon sa pamamahala,” ani Duterte.

READ MORE: Basted! Mayor Inday Sara Duterte tinanggihan ang alok na alyansa kay Mayor Isko Moreno

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Ong sa nasabing aksyon ng ilang tagasuporta ni Moreno.

Facebook Comments