Home Celebrities Ogie Diaz, milyon milyon daw ang nawala dahil sa panloloko sa kanya ng asawa ni Terrence Romeo: “Ako naman si gaga nagtiwala”

Ogie Diaz, milyon milyon daw ang nawala dahil sa panloloko sa kanya ng asawa ni Terrence Romeo: “Ako naman si gaga nagtiwala”

0

Ibinunyag ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na umabot ng milyon ang nagantso sa kanya ng asawa ni San Miguel Beermen guard Terrence Romeo.

Matatandaan na inaresto ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) si Beatrice Pia White dahil sa mag kasong carnapping at estafa.

Isa naman si Ogie sa mga nagdiwang sa pagkahuli ni White kaya naman marami ang napatanong kung isa rin ba ang talent manager sa mga biktima ng asawa ng basketbolista.

READ MORE: Asawa ni PBA star Terrence Romeo, huli dahil sa kasong carnapping

Sa isang ulat ay umabot na daw ng 5 milyong piso ang nakuha ni Espina kay Ogie.

Ilang beses daw sinubukan singilin ni Ogie ang asawa ni Romeo sa pamamagitan ni Cristy Fermin ngunit bigo ito na makasingil kahit piso.

Sinubukan daw magbayad ni White ng sasakyan kay Ogie ngunit napag alaman na renta lamang ang mga ito.

Mayroon din daw inalok na lupa ang suspek sa talent manager ngunit ng ipatingin ito ni Ogie ay may kaso pala ang nasabing property.

Gumastos pa ng P200,000 si Ogie para mapatingin ang nasabing lupa na hindi rin pala nito mapapakinabangan.

Sa kanyang vlog naman ay nagkwento si Ogie tungkol sa ginawa sa kanya ni White.

“Maikuwento ko lang ha, ito si Pia Romeo (nagkatawanan ang tatlo), si Pia Romeo, e, two years ago naipakilala sa akin ‘yan ni Nap Gutierrez kasi si Nap Gutierrez siyempre meron siyang access sa PBA, so, alam niya na asawa ito ng PBA player.

“Ako naman si gaga nagtiwala, sabi ni Nap gusto mong mag-invest sa kanya meron siyang chicken farm. Parang 30% yata in one month. Sa madaling salita nagkita kami ni Romeo (Pia) nag-treat pa nga siya sa Gloria Maris sa Greenhills. Isip ko, ‘sosyal pala ito mayaman.’

“Tapos meron din siyang call center daw tapos kung anu-ano na ang inaayuda, sa akin pinadadala. Ako naman nagtiwala tulad din ng pagtitiwala ng iba na sa unang basa mo palang ay mukhang mabait ito, mukhang mayaman, mukhang hindi ito gagawa ng kagagahan, so, pinagkatiwalaan ko. Nag-invest ako, so, umabot ng milyon,” kwento ng talent manager.

Dito na nalaman ni Ogie na hindi lang pala siya ang pinagkakautangan ni White.

May isa pa daw biktima si White na 27-M naman ang nakuha.

Hindi pa malaman kung magsasampa din ng kaso si Ogie laban kay White.

Facebook Comments