Home Celebrities Negosyanteng si Dennis Uy, gustong pagbayarin ng 200-M ang ABS-CBN: “I suffered damages to my reputation “

Negosyanteng si Dennis Uy, gustong pagbayarin ng 200-M ang ABS-CBN: “I suffered damages to my reputation “

0

Nagsampa ng kasong cyber libel ang negosyanteng si Dennis Uy laban sa ABS-CBN dahil sa diumano’y mapanirang ulat ng nasabing kumpanya laban sa kanya.

Sa kanyang isinampang cyber libel complaint nitong nakaraang taon sa Davao City ay gustong pagbayarin ni Uy ang ABS-CBN ng 200 milyong piso dahil sa dalawang artikulo na isinulat laban sa kanya ng nasabing istasyon.

Ang nasabing ulat ay tungkol sa Malampanya transactions na sa pagitan ng Chevron at ng kumpanya ni Uy na Udenna Corporation.

Kasama sina ABS-CBN President and Chief Executive Officer Carlo Katigbak, news executive Lynda Jumilla at ang reporter na sumulat ng artikulo na si Anjo Bagaoisan sa mga dinedemanda ni Uy.

Ayon sa negosyante ay sinira daw ng nasabing mga artikulo ang kanyang reputasyon na pinaghirapan niyang pabanguhin sa loob ng ilang taon.

“I suffered damages to my reputation to the public and my good standing in the business community here and abroad, which I built through many years of effort and expense. It will take years for me to recover from that reputational damage,” ani Uy.

Iginiit ni Uy na pribado ang nasabing transaksyon at walang kinalaman ang gobyerno dito.

“The share purchase was a strictly private transaction between Udenna and Chevron. The government was not affected in any way,” sabi niya pa.

Si Uy ang isa sa mga pinakamaraming donasyon sa kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 kaya naman kaliwa’t kanan ang akusasyon na natanggap nito mula sa mga netizens.

Wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN tungkol sa panibagong kaso na kinakaharap nila.

 

Facebook Comments