Home Celebrities Enchong Dee binalikan ang lugar ng kanyang kapanganakan: “Dito nagsimula ang mga pangarap”

Enchong Dee binalikan ang lugar ng kanyang kapanganakan: “Dito nagsimula ang mga pangarap”

0

Ibinahagi ni Enchong Dee ang kanyang pagbabalik sa lugar ng kanyang kapanganakan sa Naga City.

Sa kanyang vlog na may title na “Naga Tour” ay dinala niya ang kanyang mga fans sa lugar kung saan ay lumaki siya.

Ibinahagi niya rin ang kanilang lumang tirahan kung saan ay di niya napigilan malungkot dahil sa ibang iba na ang itsura ngayon nito.

Ipinakita niya rin ang mga lugar kung saan madalas siyang pumupunta at kumakain.

“It’s a weird feeling. It’s a happy but a bit sad feeling na wala na siyang tubig but I’m here — a lot of things flashing back, a lot of childhood memories replaying in my mind right now. Masaya pero how I wish it’s as healthy as before when I was still swimming here,” ani Enchong.

“It’s so surreal, nandito na ako ulit. I’m so happy. Dito nagsimula lahat, lahat ng pangarap,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Enchong ang nasabing vlog sa gitna ng 1-B cyber libel case na kinakaharap niya matapos niyang batikusin ang isang mambabatas dahil sa magarbo nitong kasal.

READ MORE: Tuloy ang kaso! Enchong Dee, pormal ng sasampahan ng reklamo ng prosector dahil sa tweet nito laban sa isang kongresista

Hanggang ngayon ay tikom parin ang bibig ni Enchong tungkol sa nasabing kaso.

 

Facebook Comments