Home Celebrities Andrea Brillantes, tinalakan ang netizen na tinawag siyang ‘ma-drama’: “Wag kang umasta na parang alam mo lahat!”

Andrea Brillantes, tinalakan ang netizen na tinawag siyang ‘ma-drama’: “Wag kang umasta na parang alam mo lahat!”

0

Hindi nakapagpigil si Andrea Brillantes sa isang netizen na pinuna ang kanyang pagiging ‘ma-drama’ sa gitna ng isyu sa kanila ng aktor na si Seth Fedelin.

Matatandaan na usap-usapan ngayon sa social media ang litratong lumabas kung saan kasama ni Seth ang isa pang aktres na si Francine Diaz at ang pamilya nito nitong nakaraang pagdiriwang ng bagong taon.

Inilagay pa ni Francine ang caption na “family is love” na tila nagsasabi na parte na ng kanilang pamilya si Seth.

Matapos kumalat ang isyu ay naglabas ng isang TikTok video si Andrea kung saan ay pinapatugtog nito ang kantang ‘Lose You To Love Me’ ni Selena Gomez kung saan ay nagli-lip sync ito.

“I gave my all and they all know it. You turned me down and now it’s showing. In two months, you replaced us. Like it was easy. Made me think I deserved it.” ani Andrea.

 

@blythe Kagigising ko lang? #fyp ♬ Lose You To Love Me – Selena Gomez

Libo libong netizen ang nagbahagi ng kanilang pagsuporta kay Andrea ngunit may iilan naman na pinuna ito dahil tila dinaan kagad ng aktres sa social media ang problema niya.

Isa na dito si netizen Steph, na tinawag na ‘ma-drama’ si Andrea.

Tumugon naman si Andrea at tinawag na “chismosa” ang netizen.

“Ikaw na chismosa ka, wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako nag d-drama. Yan ang problema sa inyong mga chismosa eh,” sabi ni Andrea.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Seth at Francine sa nasabing isyu.

 

Facebook Comments