Home Celebrities Kris Aquino may payo sa mga nasa pwesto ngayon: “Kayo ang nakapuwesto ngayon, madaling humingi ng donations, especially kapag nag-THANK YOU ang MALACANANG!”

Kris Aquino may payo sa mga nasa pwesto ngayon: “Kayo ang nakapuwesto ngayon, madaling humingi ng donations, especially kapag nag-THANK YOU ang MALACANANG!”

0

Ibinahagi ni Queen of All Media na si Kris Aquino ang kasalukuyang kalagayan niya sa kanyang Instagram post nitong Enero 12.

Makikita sa mga larawan ang malaking pinagbago sa katawan ni Kris dahil sa kanyang sakit.

Ngunit hindi parin nito nakalimutan na magbigay ng tulong sa gitna ng kanyang kalagayan.

“Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa. Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have give me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” ani Kris.

Ibinahagi rin nito ang ilang litrato kung saan makikita ang pagpapasalamat sa kanya ng isang kawani ng gobyerno para sa kanyang ipinamigay na antigen test kits.

Nagbigay din ito ng 10,000 cheese pandesal sa mga empleyado at pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) na mayroon pa niyang pirma.f

Nagbigay din ng mensahe si Kris sa mga patuloy na bumabatikos sa kanyang pagbibigay ng tulong.

“Kung babatikusin, honestly CARE ko. PATULOY akong tutulong at patuloy kong i-po-post. Kasi nga naman: KAILAN BA NAGING MASAMA ANG GUMAWA NG KABUTIHAN? With everything happening in my life, kinakaya ko pa ring isipin na maraming mas mahirap ang pinagdaraanan. i’m posting this today dahil sa nabasa ko sa Philippine Star tweet directly quoting a govt. official answering about DOH not being able to provide test kits. He said, “I don’t know, I have no answer to that.” sabi ni Kris.

“While i was “1st Sister” & a morning show host, ang generous g private entities and corporations mag donate sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya. Siguro dahil gusto nilang ma fulfill ang CSR nila, nationwide and on TC napapasalamatan ang generosity nila, at ako po mismo ang nag a-announce while thanking all who possessed caring hearts.” dagdag niya pa.

Nagbigay din ito ng payo sa dulo ng kanyang mensahe sa mga ‘nakaupo’ o yung mga opisyal ng gobyerno at sinabi na madali lang ang paghingi ng donasyon.

“Kayo ang nakapuwesto ngayon, madaling humingi ng donations, especially kapag nag-THANK YOU ang MALACANANG, honored ang donors Simple lang po-lahat nakatulong, lahat may mahalagang nagawa para sa mahal nating bansa.” sabi ng host.

Facebook Comments