Home Social Media Babae na nag viral matapos manakit ng traffic enforcer, tinawag ang sarili na ‘diwata’ at ‘independent woman’

Babae na nag viral matapos manakit ng traffic enforcer, tinawag ang sarili na ‘diwata’ at ‘independent woman’

0

Pinagkaguluhan ng mga netizens ang social media account ng babaeng nag viral sa social media matapos itong manakit ng isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Sa kanyang social media account, makikita kung sino nga ba si Pauline Salamero o mas kilala sa kanyang mga alyas na Maria Hola at Tiana Martijah.

Naging usap usapan ang mga post ni Salamero bago siya mahuli ng mga otoridad dahil sa paglabag sa traffic rules na nauwi sa pagkadiskubre ng kanyang iligal na gawain.

Sa kanyang post, ibinahagi niya ang mga mensahe tungkol sa “independent woman” at sa pag ibig.

“Loving a strong, independent woman is not for the faint of heart.

“You need to be self-assured and confident in your own masculinity because she will not fawn over you to give you constant gratification or cry down the phone to you begging to see you because she misses you.

“She is not the type to ask for your help of advice on how best to do something, so if you’re in love your own opinions and the sound of your own voice then this isn’t the woman for you,” ayon sa post ni Salamero.

Nagbahagi din ito ng mensahe kung saan ay tinawag niyang “diwata” ang kanyang sarili.

“Hindi ako #Dyosa Pero #Diwata naman pag tingin ko sa salamin tapos putol ang #Kilay wa ha ha #Chick pa rin malapit na maging #Chickenjoy #Natural pa rin lahat #Walangkemikal #Gandangcamera #Iphone11 #Pangmayaman bukas meron ng Iphone12 abangan mo! #Baklangbakla charing!!” ani Salamero.


Sa ngayon ay nakapiit si Salamero dahil sa patong patong na reklamong kanyang kinakaharap.

Lalo pang magkakaroon ng problema ang nasabing babae dahil napag alaman na posibleng parte siya ng isang sindikato.

Facebook Comments